5 seaman na kinidnap sa Nigeria pinalaya

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs na pinalaya na ng mga kidnappers ang limang seamen na Pilipino na unang kinidnap sa Niger Delta sa Nigeria noong Oktubre 4.

Sa isang text message na ipinadala sa mga mamamahayag, kinilala ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Esteban Conejos, Jr. ang mga pinalaya na sina Vicente Echavez Jr; Russel Fernandez; Ernesto Mandane; Roel Jaboni; at Efren Sayre.

 Ang mga biktima na pawang tripulante ng MT Aveiro ay pinalaya noong Oktubre 8.

Nasa pangangalaga na sila ng Philippine Embassy sa Abuja at inihahanda na rin ng DFA ang pagpapauwi ng mga ito sa bansa. (Mer Layson)

Show comments