^

Bansa

School directress sinibak dahil sa pre-marital sex

-

Kinatigan kahapon ng Court of Appeals ang pag­ kakatanggal sa tra­baho ng isang emple­yada ng isang eskuwe­lahan na nabuntis kahit walang asawa o na­ki­pag­talik nang hindi muna nagpapakasal.

Sa desisyon ng CA na isinulat ni Associate Justice Portia Alino Hor­machuelos, dinismis ng hukuman ang petisyon ni Cheryll Santos-Leus na humihiling na ipawa­lambisa ang desisyon ng St. Scholastica-West­grove na tanggalin siya sa kan­yang posisyon bilang director ng Lay Apostolate/ Community Outreach Directorate ng eskuwelahan.

Tinanggal si Leus da­hil sa kinasangkutan niyang pre-marital sex.

Noong June 11, 2003 tinanggal ng eskuwe­lahan sa trabaho si Leus mata­pos matuklasang nabuntis siya nang hindi pa naika­kasal.

Ayon sa liderato ng St Scholastica’s, bahagi ng kanilang pinatutupad na alintuntunin ang mga pa­takarang pinaiiral ng Sim­bahan lalo na ang mga may kaugnayan sa mora­lidad at imahe ng bawat mananampala­taya.

Itinuturing anilang kahihiyan at insulto sa institusyon ang pagka­karoon ng mga kawa­ning nabubuntis nang hindi kasal.

Dahil dito, naghain ng kasong illegal dismissal sa National Labor Relations Commis­sio­n ang pe­titio­ner subalit dala­wang be­ses na ibinasura ang kaso.

Sinabi ng CA na ang petitioner bilang isang mataas na opisyal ng or­ganisasyon ay ina­asa­hang magiging role model sa kominidad ng mga mana­ nampalataya. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE PORTIA ALINO HOR

CHERYLL SANTOS-LEUS

COMMUNITY OUTREACH DIRECTORATE

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

LAY APOSTOLATE

NATIONAL LABOR RELATIONS COMMIS

NOONG JUNE

SHY

ST SCHOLASTICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with