Pagpapa-tattoo, body piercing kailangan na ng permit
Isang panukalang batas na maglilimita sa mga taong gustong magpa-tattoo at body piercing ang isinusulong ngayon sa Kamara sa layuning maprotektahan ang kanilang kalusugan.
Sinabi ni Rep. Narciso Santiago III sa kanyang House Bill 5056, kailangan kumuha muna ng permiso mula sa Department of Health (DOH) ang mga indibidwal na gustong magpalagay ng tattoo at body piercing upang makaiwas sa anumang kumplikasyon, inpeksiyon o sakit na gagawin sa kanila oras na hindi malinis ang mga kagamitang gagamitn sa kanila.
Gayundin ang mga tattoo artist ay kailangan ding kumuha ng lisensiya mula sa DOH bago magsagawa ng tattooing at body piercing. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending