Special treatment sa Bilibid kapwa preso din ang nagbibigay
Tiniyak ni National Bureau of Corection Chaplain Msgr. Bobby Olaguer na hindi sila nagbibigay ng special treatment sa mga preso partikular sa mga mayayaman at pro minenteng convicted prisoners.
Ang paniniyak ay ginawa ni Olaguer matapos sabihin ni Commission on Human Rights Commissioner Leila de Lima na labag sa karapatang pantao ang pagbibigay ng special treatment sa mga bilanggo.
Ayon kay Olaguer, hindi sila ang nagbibigay ng special treatment sa mga preso kundi mga kapwa preso rin mismo dahil nangangailagan din ang ilang mga preso ng kanilang pagkakakitaan.
“Halimbawa kung mayaman ako oh di may taga-igib ako, may taga-luto ako, may tagaayos ng kwarto ko,” ani Olaguer sa panayam ng Radio Veritas.
Nilinaw din ni Olaguer ang pagtatayo ng kwarto at mga building tulad ng tennis court ni dating Congressman Romeo Jalosjos.
Aniya, mismong si Jalosjos ang gumastos at nagpatayo ng opisina dahil kongresista pa rin ito matapos manalo sa eleksiyon sa kabila ng kanyang pagkakakulong.
Idinagdag pa ni Olaguer na wala silang nilalabag na anumang mga karapatang pantao dahil mas napapakinabangan nila ang kanilang mga sarili sa halip na patulog-tulog lamang sa buong maghapon.
“Malalabag lang yan kung inaalipin na ng bilanggo ang kanyang kapwa bilanggo, pero wala akong nakitang ganun, kasi yung mga bilanggo, on their own nagpapaalipin sila pero di naman ganun kaalipin, sumuweldo naman sila, ano ba naman ang maglaba, magluto, pero may bayad so di bumababa yung dignity nila kasi nagiging source of income pa nila”, dagdag pa ni Olaguer. (Doris Franche)
- Latest
- Trending