^

Bansa

Impeach GMA!

- Doris Franche-Borja -

Tiniyak ni Joey de Venecia, anak ni dating House speaker Jose de Venecia, na mauuna siya sa paghahain ngayon ng panibagong impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Arroyo.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan, si­nabi ni de Venecia na ma­aga pa lang ay nasa Ka­mara na siya para unahan ang ibang grupo na nag­babalak na mag­hain din ng panibagong complaint laban sa Pangulo.

Magugunita na nabigo sina de Venecia na maihain noong Sabado ang bagong impeachment complaint dahil umalis ng bansa si House Secretary General Marilyn Yap na siyang awtorisadong tu­manggap ng reklamo.

Sinabi ng batang de Venecia na pipigilan nila ang grupo ni Oliver Lozano at Ruel Polido para guluhin at isabotahe ang impeachment process.

llan sa mga isyu laban sa Pangulo ay ang National Broadband Network agreement sa ZTE Corp., kung saan saksi ang batang de Venecia; ang Northrail project; ang Joint Maritime Seismic Understanding na pinirmahan ng Pilipinas, China at Vietnam; at ang memorandum of agreement on ancestral domain sa Moro Islamic Liberation Front.

Isinama din sa impeachment case ang umano’y ginawang pag­labag sa ka­rapatan pan­tao, ZTE-Diwal­wal Mining contract, fertilizer scam at ‘Hello Garci’.

Kabilang din sa mga tumayong complainant sina Atty. Harry Roque; Editha Burgos, ina ng nawawalang aktibista na si Jonas Burgos; Erlinda Cadapan at Concepcion Empeno, nanay ng mga nawawalang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno; dating transportation undersec­retary Josefina Lichauco, aktibistang si Renato Cons­tantino, actor Rez Cortez, Linggoy Alcuaz, Leah Navarro at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman Danilo Ramos.

CONCEPCION EMPENO

DANILO RAMOS

EDITHA BURGOS

ERLINDA CADAPAN

HARRY ROQUE

HELLO GARCI

HOUSE SECRETARY GENERAL MARILYN YAP

JOINT MARITIME SEISMIC UNDERSTANDING

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with