^

Bansa

GMA ipinagtanggol ni Speaker Nograles

-

Ipinagtanggol ni House Speaker Prospero Nograles Jr. ang ginawang pagbibigay ng executive clemency ni Pangulong Arroyo kay convicted murderer Claudio Teehankee Jr.

Sinabi ng House Speaker na sakop ng kapang­yarihan ng  Pangulong Arroyo ang pagkakaloob ng presidential pardon sa mga convicts na karapat-dapat na pagkalooban ng kapatawaran.

Si Nograles ay isang topnotcher lawyer at kilalang human rights advocate ay nagsabing walang sinuman ang maaring kumuwestyon sa paghatol at pagbibigay kapatawaran ng Pangulo.

Aniya, maging ang mga ‘justices’ ay hindi maaaring tumutol sa kapangyarihan ng Presidente dahil ito ay ginagarantiya ng ating Constitution.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang ka­pangyarihan ng pangulo na magkaloob ng clemency ay “absolute” at maari aniya itong gawin ng sino mang punong ehekutibo nang hindi naghihintay ng reko­mendasyon mula sa Department of Justice (DOJ) at Board of Pardon and Parole (BPP).

Inihayag pa ni Nograles na dumaan sa tamang proseso ng batas ang pagbibigay ng clemency ng Pangulo kay Teehankee at pinag-aralan muna niyang mabuti ang rekomendasyon ng Bureau of Corrections (BuCor).

Matatandaang si Teehankee Jr., na anak ni dating Supreme Court Chief Justice Claudio Teehankee Sr., ay pinalaya mula sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos na pagkalooban ng presidential clemency ng Pangulong Arroyo na umani naman ng batikos sa panig ng oposisyon at ibang grupo. (Butch Quejada)

BOARD OF PARDON AND PAROLE

BUREAU OF CORRECTIONS

BUTCH QUEJADA

CLAUDIO TEEHANKEE JR.

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES JR.

NEW BILIBID PRISONS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with