Teehankee natakasan ang media

Parang may sa “palos” na natakasan ng kontrober­ siyal at convicted murderer na si Claudio Teehankee Jr. ang mga nagbabantay na media makaraang lihim na makapuslit ito, kamakalawa ng gabi sa compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Nabatid na nagawang makapuslit ni Teehankee Jr. sa mga “Paparazzi’ maka­raang makalabas ito sa pa­mamagitan ng pagtibag sa dingding ng tinutuluyang ku­warto bandang 6-7 ng gabi.

Ayon sa ilang mapagka­katiwalaang impormante ng NBP, hindi ito dumaan sa pinto na tinambayan ng mga media at sa halip ay sa likod ng simbahan kung saan naghihintay ang isang government vehicle na sina­sabing sinakyan ni Tee­hankee na may plakang na SEW 750.

Samantala, imposible na umanong mabawi pa ang executive clemency na ipinagkaloob ni Pangulong Arroyo kay Teehanke.

Ito ang tugon ni Justice Secretary Raul Gon­zalez sa pahayag ni dating Ombudsman Simeon Mar­celo na maari pang kuwes­tiyunin sa Korte Suprema ang lega­lidad ng executive clemency na ibinigay dito.

Nilinaw ng Kalihim na ang pagkuwestiyon sa legalidad ng executive clemency ay parang nilabag na rin nito ang constitutional power ng Pangulo.

Ayon pa sa kalihim, du­maan sa proseso ang lahat bago nabigyan  ng executive clemency si Teehankee taliwas sa mga alegasyon ng pamilya Hultman. (Rose Tamayo-Tesoro/Gemma Amargo-Garcia)

Show comments