Makati judge pinaiimbestigahan ng Chief Justice
Pinaiimbestigahan ni Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno ang isang hukom sa Makati Regional Trial Court (RTC) dahilan sa umano’y hindi patas nitong desisyon.
Base sa isang pa hinang kautusan ni Puno, inatasan nito si Court Administrator Jose Perez na imbestigahan si Judge Winlove Dumayas dahil sa umano’y bias nitong desisyon at hindi pinag-aralang mabuti ang mga pangyayari sa kaso gayundin ang hindi pagbibigay ng tamang hatol sa kasong nakabinbin sa kanyang sala.
Nag-ugat ang kautusan ni Puno sa inihaing reklamo ni Team Image inc. President Felix Co matapos na bawiin ni Dumayas ang naunang desisyon nito na inaatasan ang negosyanteng si William Tieng na magbayad sa una ng halagang P38.7 million para sa kasong paglabag sa isang compromise agreement kaugnay sa kita nila sa kanilang negosyo.
Sinabi ni Co na ang naging desisyon ni Dumayas ay pagsuway sa naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na ipinagpatuloy naman ang pagdinig sa sala ng Hukom na pumapabor sa una.
Samantala, nadiskubre din ni Sen. Miriam Defensor Santiago sa ginawang budget hearing na naantala ang pagpapatupad ng kautusan ng SC na nag-aatas sa Mega Pacific na bayaran ang Commission on Elections (Comelec) ng P1 billion para sa hindi natuloy na automation program.
Sinabi umano ng Comelec kay Santiago na si Dumayas ang nag-apruba sa petition ng Mega Pacific para sa motion for reconsideration sa desisyon ng SC.
Giit ni Santiago hindi pangkaraniwan para sa isang Hukom na pagbigyan ang motion for reconsideration mula sa isang desisyon ng Korte Suprema na final and executory na.
Nabatid na si Dumayas din ang Hukom na siyang naghatol kay Daily Tribune publisher and editor-in-chief Ninez Chacho-Olivarez sa kasong libelo nito.
Sa kabila naman ng kautusan ni Puno dito na pagbayarin na lang si Oli varez sa halip na pagkakakulong hinatulan pa rin ni Dumayas ang publisher ng tatlong taong pagkakakulong at P5 milyong kabayaran para sa damages sa law firm na Villaraza, Cruz, Marcelo Angangco. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending