^

Bansa

'Death threat' kay Mayor Nanoh

-

Matapos maganap ang “bugbugan” sa arrival area ng NAIA Terminal 2 sa Pasay City noong Linggo ay sunud-sunod na ‘death threat’ na umano ang nata­tanggap ngayon ni Mayor Ahmad Nanoh ng bayan ng Pangutaran Sulu.

Ayon kay Mayor Na­noh, ilang ‘text message’ na ang kanyang na­tang­gap na nagsasabing “uubusin ang kanyang pamilya” matapos ang insidente sa NAIA sa pagitan nila ni Sulu Governor Abdusakur Tan.

Sinabi ng alkalde, patu­nay lamang na totoo ang “death threat” na kanyang natatanggap makaraang hagisan ng granada kama­kalawa ng madaling araw ang kanyang tahanan sa Southcom Village, Ba­rangay Upper Kalayaan Zamboanga City.

Mabuti na lamang at hindi umano natanggal ang safety pin ng granada kaya hindi ito sumabog at walang nasaktan o kaya’y nasawi sa kanyang pa­milya.

Duda ng alkalde, posi­bleng kaya umano galit na galit sa kanya ang gober­nador ay dahil isa siya sa mga pumirma sa inihaing recall petition sa Comelec.

Base sa 26 pahinang petisyon nina Ali Asman Jilah, Alhusia Ahamad Hanani at 62,631 ‘registered voters’ ng probinsiya ng Sulu ay sinasabing “loss of confidence” ang pangu­nahing dahilan kaya nila nire-recall si Tan. (Butch Quejada)

ALHUSIA AHAMAD HANANI

ALI ASMAN JILAH

BUTCH QUEJADA

MAYOR AHMAD NANOH

MAYOR NA

PANGUTARAN SULU

PASAY CITY

SHY

SOUTHCOM VILLAGE

SULU GOVERNOR ABDUSAKUR TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with