39,000 bagong guro kailangan
Para masigurong matu tutukan sa kanilang pag-aaral ang lumolobong populasyon ng mga mag-aaral sa public schools ay mangangailangan ang bansa ng 39,000 bagong teachers at P5.3 bilyong karagdagang budget.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, ang kasalukuyang ratio ng teacher sa estudyante ay 1:50, malayo sa hinahangad at nararapat na isang guro sa 35 estudyante.
Sa istadistika mula sa gobyerno para sa school year 2006-2007, ang public school enrolment sa elementary students ay 12,096,656 habang sa secondary ay 5,072,210 na lubhang malayo sa bilang ng mga guro na 343,646 sa elem. at 128,19 sa HS.
Tinuran ni Gordon na ang dahilan ng kakulangan ng guro ay ang kababaan ng kanilang sweldo. Nalaman na ang monthly salary ng isang pangkaraniwang guro ay P12,000, ngunit dahil sa mga standard deductions ang naiuuwi na lamang nila sa kanilang mga pamilya ay P10,000 habang ang iba ay wala na halos sa rami ng mga loans na kanilang pinapasok. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending