Sinibak sa kanilang mga tungkulin ang 16 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos na umano’y nakawin ng mga ito ang P5.1 milyong halaga ng mga vertical clearance frame na pag-aari ng Light Railway Transit Authority (LRTA).
Ang pagkakasibak sa nasabing mga tauhan ng MMDA Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ay bunga na rin ng isinam pang reklamo ni LRTA administrator Mel Robles dahil sa umano’y pagnakaw ng mga una ng mga vertical clearance signs ng LRTA sa C-3 at Rizal Avenue ng Caloocan City noong July 22, 2008.
Ayon naman kay MMDA Chairman Bayani Fernando, siya mismo umano ang personal na “sumipa” sa nabanggit na bilang ng kaniyang mga tauhan bilang patunay na hindi umano niya kailanman pinapanigan ang anumang baluktot na gawain ng kanyang mga tauhan.
Kinilala naman ng MMDA ang mga sinibak na sina Roberto Lao, Fernando Flores, Gil Silos, Rhoyleen Arro, Joven Abanes, Gilmar de Loria, Mark Davie Magaro, Carlo Mapano, Benny Aguilar, Richard Ordiales, Rico Vico, Joven Avanes, Alex Inocando, Miguel Perfecto, Rolien Arayata at Johnny Aganan. (Rose Tamayo-Tesoro)