^

Bansa

16 tauhan ng MMDA sinibak!

-

Sinibak sa kanilang mga tungkulin ang 16 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos na umano’y nakawin ng mga ito ang P5.1 milyong halaga ng mga vertical clearance frame na pag-aari ng Light Railway Transit Authority (LRTA).

Ang pagkakasibak sa nasabing mga tauhan ng MMDA Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) ay bunga na rin ng isinam­ pang reklamo ni LRTA administrator Mel Robles dahil sa umano’y pagnakaw ng mga una ng mga vertical clearance signs ng LRTA sa C-3 at Rizal Avenue ng Caloocan City noong July 22, 2008.

Ayon naman kay MMDA Chairman Bayani Fernan­do, siya mismo umano ang personal na “sumipa” sa na­banggit na bilang ng kani­yang mga tauhan bilang pa­tunay na hindi umano niya ka­ilanman pinapanigan ang anumang baluktot na ga­wain ng kanyang mga tau­han.

Kinilala naman ng MMDA ang mga sinibak na sina Roberto Lao, Fernan­do Flores, Gil Silos, Rhoy­leen Arro, Joven Abanes, Gilmar de Loria, Mark Da­vie Magaro, Carlo Mapano, Benny Aguilar, Richard Ordiales, Rico Vico, Joven Avanes, Alex Inocando, Miguel Perfecto, Rolien Arayata at Johnny Aganan. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALEX INOCANDO

BENNY AGUILAR

CALOOCAN CITY

CARLO MAPANO

CHAIRMAN BAYANI FERNAN

GIL SILOS

JOHNNY AGANAN

JOVEN ABANES

JOVEN AVANES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with