^

Bansa

Indama balik-kalaboso

-

Isang araw matapos tumakas, kusang-loob na sumuko kahapon sa isang hukom ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang “star witness” sa Batasan bombing na si Ikram Indama.

Nabatid na nagtungo si Indama sa sala ni QC RTC branch 83 Judge Ralph Lee kung saan kumuha ito ng “commitment order” sa korte para mailipat siya ng kulungan at hindi sa detention center ng CIDG. Iginiit ni Indama na hindi umano sangkot si dating Basilan Rep. Jerry Salappudin.

Isinuko naman kay Quezon City Police District director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula si Indama ni Quezon City Hall police detachment chief, Supt. Nestor Abalos na siyang nag-escort dito.

Sinabi ni Gatdula na umuwi lamang umano sa kanyang bahay sa Fair­view, Quezon City si In­dama matapos na maka­kuha ng pagkakataon na makatakas nang lumu­wag na ang pagbabantay sa kanya sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa loob ng Kampo Crame.

Nabatid pa na iginigiit ni Indama na ayaw nitong pasailalim sa “witness protection program” dahil sa wala naman umano siyang alam sa Batasan Bombing. Ayaw rin nitong maging wanted kaya naisipan nitong sumuko matapos na mapanood sa telebisyon ang mga balita ukol sa pagkawala niya.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni Gatdula na ma­ituturing na ulit ngayon si Indama na isa sa mga suspek sa naturang pag­papasabog na kumitil sa buhay ni Rep. Wahab Ahkbar at tatlo pa katao sa kabila na ginawa na itong “state witness”.

Kasalukuyang naka­ditine ngayon sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City si In­dama kasama ang da­lawa pang suspek sa pambobomba na sina Caida Aunal at Adham Kusain. (Danilo Garcia/Joy Cantos)

ADHAM KUSAIN

BASILAN REP

BATASAN BOMBING

CAIDA AUNAL

CAMP BAGONG DIWA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

GATDULA

IKRAM INDAMA

INDAMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with