^

Bansa

Trillanes, hopeless

- Gemma Amargo-Garcia -

Tuluyan nang hindi ma­kakadalo sa mga session at maging sa mga committee hearing sa Senado si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito’y matapos na iba­sura ng Supreme Court (SC) en banc sa ikatlong pag­kakataon ang kahili­ngan ni Trillanes na maka­pagsagawa ng oral argument sa kanyang petition na naglalayong makalabas sa kanyang kulungan sa Fort Bonifacio.

Base sa resolusyon ng SC, maituturing na nilang moot o balewala ang usa­pin dahil nadesiyunan na nila ang main petition at ma­ging ang motion for reconsideration ni Trillanes.

Bukod rito, sinabi rin ng mga mahistrado na isina­alang-alang din nila ang isinasaad sa Section 3 ng 1997 Rules on Civil Procedures na hindi maaaring magsagawa ng oral argument sa mga mosyon mali­ban na lamang kung sang­kot dito ang pambansang seguridad.

Nakasaad pa na isina­pinal na rin ang hatol ng SC sa naturang petition ni Trillanes matapos na ma­isilbi ang notice of judgment sa mga partido.

Magugunitang dumu­log sa Korte Suprema si Trillanes matapos na manalo bilang senador noong 2004 elections,

Iginigiit ni Trillanes na bilang halal na opisyal ay dapat siyang pagkalooban ng karapatan na mapag­silbihan niya ang sinum­paang tungkulin sa milyun-milyong Pilipino na nag­luklok sa kanya sa pu­westo.

Gayunman sinabi sa desisyon ng SC noong July 27, 2008 na dahil sa nagawang kasong kudeta na isang non-bailable offense ay nagkaroon na ng limitasyon sa mga kara­patan ni Trillanes.

Sinabi pa ng SC na wala ring naibigay na garantiya si Trillanes mula sa kahit sino sa Senado na titiyak na hindi siya tatakas.

Si Trillanes kasama ang lima pang junior officers ng militar ay nag-aklas noon laban sa pamaha­laan dahil sa maling pa­mamalakad ng kanilang mga superior officer sa militar.

CIVIL PROCEDURES

FORT BONIFACIO

KORTE SUPREMA

SENADO

SENADOR ANTONIO TRILLANES

SHY

SI TRILLANES

SUPREME COURT

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with