Programa sa lisensya ok sa transport

Sinuportahan ng ibat ibang transport groups sa Mindanao at Visayas regions ang Drivers License Enhancement Program na eksklusibong laan para sa lahat ng mga professional drivers license holder sa da­lawang mag­kahiwalay na public consultation meetings na ginanap sa Cebu at Da­vao noong Oktubre 2 at 3 sa ilalim ng magka­sunod na panganga­siwa ng Land Transportation Office.

Pangunahing su­mu­suporta sa progra­ma ang mga chapter sa Mindanao ng 1Utak, Pasang Masda at Alliance of Concerned Transport Organizations.

Iginiit ng mga grupo na kailangang ipatu­pad sa lalung madaling panahon ng LTO ang na­turang progra­ma dahi­lan sa ito anila ay ma­tagal nang na­lagdaan ng pamahalaan. (Angie dela Cruz)

Show comments