^

Bansa

Bro. Eddie o Panlilio sa 2010

-

Mayroong posibilidad na kumandidatong pre­ sidente sa pambansang halalan sa taong 2010 ang dalawa sa kinikilalang lider-relihiyoso sa katauhan ng tagapag­ta­tag ng Jesus is Lord Movement na si Brother Eddie Villanueva at ng paring gobernador ng Pampanga na si Eduardo “Among Ed” Panlilio.

Ito ang nahiwatigan sa isang panayam kay Villa­ nueva bagaman sinasabi niyang tanging Diyos la­mang ang makakapagtulak sa kanya na sumabak sa halalang pampanguluhan.

Sa isang pulong-bali­taan sa Maynila, sinabi ni Villanueva na bukas siya sa posibilidad na pagkandidato niya.

Inamin niya na mara­ming kampo ang umuudyok sa kanya na tumakbo sa halalang pampanguluhan pero idiniin niya na walang maaaring makakumbinsi sa kanya kung hindi iuutos ng Panginoon.

“Hindi ko sinasabing oo o hindi. Sunud-sunuran lang ako sa Panginoon. Sana, hindi ako utusan ng Diyos,” sabi ni Villanueva sa pag­diriwang ng ika-30 taon ng JIL kahapon na ginawa sa Luneta grandstand.

Kumandidato ring presi­dente si Villanueva sa hala­lan noong taong 2004 sa ilalim ng partidong Bangon Pilipinas Movement pero kabilang siya sa mga tinalo ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo.

Sa ngayon, ayon kay Villanueva, nagpapalakas ng makinarya ang JIL at BPM para sa pagtataguyod nila ng pambansang pag­babago.

Sinabi rin ni Villanueva na pinag-aaralan din nilang ilaban sa halalang pampa­nguluhan si Panlilio para makapaglunsad ng tunay na reporma sa bansa.

Si Panlilio na nakaba­kasyon sa kanyang tung­kulin sa simbahan ay na­halal na gobernador sa Pampanga noong 2007. (Helen Flores)

AMONG ED

BANGON PILIPINAS MOVEMENT

BROTHER EDDIE VILLANUEVA

DIYOS

HELEN FLORES

LORD MOVEMENT

PAMPANGA

PANGINOON

PANGULONG GLORIA MACA

SHY

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with