Aarestuhin na ng pulisya ang mga taong magtatapon ng basura sa mga bawal na lugar.
Ayon kay PNP Chief Deputy Director General Jesus Verzosa, pagtutuunan na rin ng PNP na sagipin ang kalikasan at maging ang malalaking kumpanya na sumasalaula sa kalikasan sa walang pakundangang pagtatapon ng kanilang mga basura sa paligid partikular na sa mga ilog at lawa.
“In coordination with DENR (Department of Environment and Natural Resources ) and LGU (Local Government Units ), we will soon be arresting those who violate the environmental laws”, mariing pahayag ni Verzosa.
Aniya, malinaw na isang paglabag sa ‘environmental laws’ ang pagtatapon ng basura sa mga pangunahing lansangan, estero na nagdudulot ng mga pagbaha, ilog, sapa at maging sa mga karagatan kaya’t darakpin na nila ang mga pasaway na indibidwal.
Sinabi ni Verzosa na base sa survey, ang kalikasan ang pang-anim na concern ng ordinaryong mamamayan. (Joy Cantos)