^

Bansa

Magtatapon ng basura aarestuhin ng PNP

-

Aarestuhin na ng pu­lisya ang mga taong magtatapon ng basura sa mga bawal na lugar.

Ayon kay PNP Chief Deputy Director General Jesus Verzosa, pagtutu­unan na rin ng PNP na sa­gi­pin ang kalikasan at maging ang malalaking kumpanya na sumasalaula sa kalikasan sa walang pakundangang pagtata­pon ng kanilang mga basura sa paligid partikular na sa mga ilog at lawa.

“In coordination with DENR (Department of Environment and Natural Resources ) and LGU (Local Government Units ), we will soon be arresting those who violate the environmental laws”, mariing pa­hayag ni Verzosa.

Aniya, malinaw na isang paglabag sa ‘environmental laws’ ang pagta­tapon ng basura sa mga pangunahing lansangan, estero na nagdudulot ng mga pagbaha, ilog, sapa at maging sa mga karagatan kaya’t darakpin na nila ang mga pasaway na indi­bidwal.

Sinabi ni Verzosa na base sa survey, ang ka­likasan ang pang-anim  na concern ng ordinaryong mamamayan. (Joy Cantos)

vuukle comment

AARESTUHIN

ANIYA

AYON

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JOY CANTOS

LOCAL GOVERNMENT UNITS

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with