^

Bansa

Pag-aresto sa dayuhang 'prosti' problema ng PNP

-

Tulad ng iba pang kriminal, trabaho ng Philippine National Police (PNP) at hindi ng Bureau of Immigration na ares­tuhin ang mga dayuhang prostitutes na posibleng nag-o-operate sa bansa.

At kung may maaresto man ang mga pulis, dito lang papasok ang BI sa pamamagitan ng pagsa­sagawa ng deportation proceedings laban sa mga di kanais-nais na da­yuhan na gumagawa ng ilegal sa bansa, pa­liwa­nag ni BI Commissioner Marcelino Libanan.

Ginawa ni Libanan ang paglilinaw na ito upang ibasura ang pa­hayag ng ilang sektor na BI ang pangunahing ahen­siya na dapat tumugis sa mga foreign prostitutes na umano’y nasa bansa.

Ngunit sinabi ni Liba­ nan na pangunahing tra­baho ng BI ay bantayan ang mga paliparan at pantalan ng bansa laban sa pagpasok ng undesirable aliens.

“Our mandate is clear. Our resposibility is to thwart any attempt of undesirable aliens and terrorists to enter the country,” paliwa­nag ni Liba­nan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Libanan na walang dayu­hang prostitute ang maka­kapasok sa bansa.

Una, sinabi ni Libanan na nakikipag-ugnayan sila sa mga bansa na posi­bleng panggalingan ng mga da­yuhang prostitutes, na batay sa intelligence report, ay mula sa Mainland China at Russia. (Butch Quejada)

BANSA

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

LIBA

LIBANAN

MAINLAND CHINA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with