^

Bansa

Independent lab pumalag sa banat ng DOH

-

Nanindigan kahapon ang ilang testing centers kaugnay sa ginawa nilang pagsusuri sa mga milk at iba pang food products na naging positibo sa kemi­kal na “melamine”.

Ayon kay Pinky Tobia­no ng QualiBet Testing center, hindi sila nakiki­pagkompitensiya sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) kundi nais la­mang umano nilang ma­ging bahagi ng mabili­sang aksyon kontra sa pagkalat ng “melamine”.

Magugunita na una nang umani ng pagba­tikos mula kay Health Secretary Francisco Du­que III ang umano’y tila pakikipag-unahan ng mga testing centers sa kanila sa paglalabas ng melamine contamination test result.

Ayon pa kay Tobiano, ang pagsumite anila ng kanilang resulta sa BFAD ay patunay lamang na ipinasasailalim nila ang anumang resulta sa pag-berepika ng mga awto­risadong ahensiya ng pamahalaan.

Samantala, iginiit na­man ng Department of Health (DOH) na sigurado ang kanilang findings na dalawa lamang sa 30 milk products mula China ang positibo sa kemikal na melamine. (Rose Tesoro)

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DU

MAGUGUNITA

NANINDIGAN

PINKY TOBIA

ROSE TESORO

SAMANTALA

SHY

TOBIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with