Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri nitong Biyernes ang pagpapalaya sa siyam pang mga bilanggo mula sa Caloocan City Jail sa pangalawang pagbisita ng Justice on Wheels (JOW) Project ng Korte Suprema. Ang siyam ay bahagi ng 44 presong nakatakdang pakawalan sa susunod na linggo.
Ang paglaya ng unang siyam ay sinaksihan nina Echiverri, Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, Caloocan City Jail Warden Lyndon Torres, Northern Police District Director Senior Supt. Pedro Tango, City Administrator Russel Ramirez, mga Regional Trail Court judges at prosecutors
Nagpahayag din si Echiverri ng buong suporta sa programang ito ng Korte Suprema na nagpapaluwang sa mga bilangguan at naglalapit ng hustisya sa mamamayan.
Sa unang pagbisita ng JOW project sa city jail, 35 preso ang nabigyan ng pinabilis na paglilitis. Ang Caloocan City Jail ay may populasyon na tinatayang 1,487 lalaki at 92 babaeng bilanggo. (Lordeth Bonilla)