Isa sa mga divers ng Salvor Titan na sumisisid ng en dosulfan ang isinugod sa ospital matapos mahilo, mamanhid ang mga kamay at kapusin ng hininga noong Huwebes ng hapon habang nag-aahon ng naturang kemikal. Kinilala ang diver na si John Hancock, na una na umanong binigyan ng first aid nina Dr. Tessie Antonio at Melvin Malbog ng Department of Health na nakaantabay sa retrieval operation.
Gayunman, nilinaw ni Tiffany Cartier, dive medical technician ng Titan Salvor, na may personal health issues o sakit ang nasabing diver at hindi ito nakuha sa pag-aahon ng endosulfan. Pero nilinaw niya na bago ito isabak sa grupo, bilang professional divers, binigyan na ito ng clearance na maaring magtrabaho tulad ng pagda-dive ng hazardous materials.
Mariin namang itinanggi ni Ed Ravago, oil spill response coordinator, na walang cyanide posisoning dahil wala silang kargang cyanide.
Kabuuang 213 packs na ng endosulfan ang na-retrieve hanggang kahapon. (Ludy Bermudo)