^

Bansa

Mga pulis paaakyatin sa 10th floor ng building

-

Gagamiting sukatan ng Philippine National Police (PNP) ang page-ehersisyo tulad ng pagdya-jogging sa 10-palapag na gusali upang malaman kung phy­sically fit sa trabaho ang isang pulis.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa Jr. kaugnay na rin ng aktibong pagsusulong nito sa Physical Fitness sa  hanay ng mga opisyal at miyembro ng PNP.

Sa kasalukuyan, ayon kay Verzosa, may pag-aaral na silang ginagawa para madetermina ang ti­bay ng lakas ng isang pulis at matiyak na kaya pa nitong sumabak sa mga maseselang operasyon.

Inihayag ni verzosa na sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang 10-storey building, susukatin nila ang resistensiya ng isang pulis sa kung gaano nito katagal maaakyat ang ganoon kataas na gusali.

Ayon kay Verzosa ma­halaga na physically fit ang isang pulis para mabilis ang mga itong makaka­habol laban sa mga tinu­tu­gis na mga elementong kriminal at dito’y hindi puwede ang mga lampa.

Sa kabila nito, sinabi ni Verzosa na hindi nila ia-applay ang dating rekisitos na 34 inch waistline sa mga opisyal at miyembro ng PNP upang maging batayan kung ang isang pulis ay physically fit o hindi na.

Magugunita na ang kontrobersyal na 34-inch waistline na tinutulan ng mga matatabang pulis dahilan hindi raw ito akma sa lapad ng kanilang mga dibdib. (Joy Cantos)

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA JR.

GAGAMITING

INIHAYAG

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHYSICAL FITNESS

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with