'Text-for-change' para sa mahirap - Gordon

Hinikayat ni Independent Senator Richard Gordon ang mga telecommunications companies (TelCos) na isa­katuparan ang kanyang panukalang “text-for-change” o ang pagbi­ bigay ng portion ng net profit ng TelCos sa gob­yerno para pantustos sa kahirapan, kalusugan at edukasyon ng mga ma­hihirap na kabataang Filipino.

Ayon kay Gordon, makatutulong ang natu­rang panukala upang maibsan ang dinaranas na kahirapan ng mga Pinoy, partikular sa mga kabataan, lalo ngayon sa gitna ng pandaigdigang krisis at kawalan ng sapat na pantustos ng gob­yerno. 

Sa ilalim ng Senate Bill 2402, o ang “text-for-change” measure, aata­san nito na magbigay ang TelCos, partikular ang mga higanteng Globe, Smart at Sun Cellular, na maglaan ng portion ng kanilang kinita para magamit na panustos sa mga naturang suliranin ng bansa.

Base sa estimasyon, kumikita ng P2B ang tatlong kompanya sa Short Messaging System (SMS) pa lamang, na ipinadadala ng 60 million mobile phone subscribers sa buong bansa.      

Idinagdag pa ng se­nador na hindi lamang ang national government ang may pananagutan kundi maging ang private businesses ay may pa­nanagutan din sa pag-aangat ng edukasyon at kalusugan ng mga ma­mamayang nagdarahop. (Malou Escudero)

Show comments