'Text-for-change' para sa mahirap - Gordon
Hinikayat ni Independent Senator Richard Gordon ang mga telecommunications companies (TelCos) na isakatuparan ang kanyang panukalang “text-for-change” o ang pagbi bigay ng portion ng net profit ng TelCos sa gobyerno para pantustos sa kahirapan, kalusugan at edukasyon ng mga mahihirap na kabataang Filipino.
Ayon kay Gordon, makatutulong ang naturang panukala upang maibsan ang dinaranas na kahirapan ng mga Pinoy, partikular sa mga kabataan, lalo ngayon sa gitna ng pandaigdigang krisis at kawalan ng sapat na pantustos ng gobyerno.
Sa ilalim ng Senate Bill 2402, o ang “text-for-change” measure, aatasan nito na magbigay ang TelCos, partikular ang mga higanteng Globe, Smart at Sun Cellular, na maglaan ng portion ng kanilang kinita para magamit na panustos sa mga naturang suliranin ng bansa.
Base sa estimasyon, kumikita ng P2B ang tatlong kompanya sa Short Messaging System (SMS) pa lamang, na ipinadadala ng 60 million mobile phone subscribers sa buong bansa.
Idinagdag pa ng senador na hindi lamang ang national government ang may pananagutan kundi maging ang private businesses ay may pananagutan din sa pag-aangat ng edukasyon at kalusugan ng mga mamamayang nagdarahop. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending