Itinuloy pa rin ng mga divers ng Philippine Coast Guard (PCG) at dalawang salvaging firms ang retrieval operation sa nakala lasong kemikal na endosulfan sa lumubog na MV Princess of the Stars sa Sibuyan Island, Romblon.
Sinabi ni Sulpicio Lines Inc. (SLI) vice president for marketing Jordan Go na may panibagong 33 packs ang naiahon kahapon habang noong Martes ay umabot sa 34 packs ng endosulfan ang narekober o kabuuang 67 packs habang ang natitirang kemikal ay pipilitin umanong maiahon sa loob ng 12-16 araw.
Bunsod nito, muling binuhay kahapon ni Sen Pia Cayetano ang kanyang panawagan na dapat ibalik sa bansang Israel ang endosulfan.
Ayon kay Cayetano, responsibilidad ng gob yerno at ng Del Monte Philippines Inc. na ibalik sa Israel ang endosulfan upang hindi makaapekto sa kalikasan ng bansa.
Hindi aniya dapat sa teritoryo ng Pilipinas i-dispose ang kemikal dahil posibleng manganib pa ang buhay ng mga mamamayan.
Hindi rin aniya maaring ipasok sa orihinal na destinasyon nito ang mga kemikal dahil ipinagbabawal na ito sa Bukidnon dahil sa ipinasang Ordinance No. 2008-022R noong nakaraang Agosto.
Dapat aniyang gaya hin ng ibang probinsita ang Bukidnon na nagpasa ng ordinansa na nagbabawal sa endosulfan. (Ludy Bermudo/Malou Escudero)