^

Bansa

'Melamine testing' sinimulan ng BFAD

- Nina Rose Tamayo-Tesoro At Doris Franche -

Isinalang na ngayong araw ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa ‘melamine testing’ ang mga nakulekta nilang iba’t ibang brand ng gatas at iba pang mga produktong pinaniniwalaang may sangkap ng gatas na nag­mula sa China.

Ayon kay BFAD Dir. Leticia Gutierrez, ipina­pangako ng ahensiya sa publiko na agad nilang ilalabas ang anumang resulta na inaasahang malalaman sa susunod na linggo kung meron at kung anong milk products ang positibo sa melamine contamination.

Siniguro naman ng BFAD na ang gagawin nilang pagsusuri ay ma­sinsinan para masigurong “credible” at walang pag­kakamaling mang­yayari sa magiging re­sulta nito.

Ayon pa kay Guit­tierrez na malaki ang maitutulong ng ‘reference standard for melamine’ na dumating na sa bansa na gagamiting basehan sa gagawin nilang pagsu­suri.

Bukod pa rito, may mga makina rin umano ang BFAD na angkop sa gagawing “melamine testing” na malaki ring tulong para mapabilis ang na­sabing pagsusuri.  

Partikular na isasa­publikong listahan ay ang mga produktong maki­kitang kontaminado ng melamine at hiwalay na listahan para sa mga produktong negatibo sa melamine.

Kabilang naman sa mga produktong kasama sa banned list ay ang Mr. Brown instant coffee and milk tea, at ang fresh milk na Jolly Cow, Yili at Mengniu.

vuukle comment

AYON

BUKOD

GUIT

ISINALANG

JOLLY COW

KABILANG

LETICIA GUTIERREZ

MELAMINE

MR. BROWN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with