Nagbabala si Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa na parurusahan niya ang mga hepe o director ng pulisya na magpi-presenta sa media ng mga nadadakip nilang mga suspek sa krimen.
Ginawa ni Verzosa ang babala sa pagronda niya sa buong Quezon City kamakalawa ng gabi kasama ang bagong talaga rin na hepe ng National Capital Regional Police Office na si P/Director Jefferson Soriano.
“Magkakaroon ng memorandum circular sa mga darating na araw na nag-uutos sa PNP officials na itigil na iyan. Parurusahan ang lalabag. Hindi na natin ihaharap sa media ang mga suspek sa krimen na parang nasa firing line,” sabi ng opisyal. (Danilo Garcia)