^

Bansa

Pinay DH sinagip ng sulat sa sadistang amo

-

Dahil sa mga sulat na inilalaglag mula sa bintana, nasagip ang isang Pilipi­nang domestic helper na matagal nang nakakulong sa mala-impiyernong silid na pinagdalhan sa kanya ng kanyang employer sa Bahrain.

Kahapon ng umaga, luhaang sinalubong ng kanyang asawa at tatlong anak at kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration si Jennifer Calinao, 34, ng Tanay, Rizal pagkababa niya mula sa Gulf Air flight GF-154 sa Ninoy Aquino International Airport.

Umalis si Calinao pa­tungong Bahrain noong Agosto 20.  

Aniya, ginugutom siya at halos wala na siyang tulog dahil hindi pinagpa­pahinga ng kanyang amo. Nawalan siya ng malay at dinala siya ng kanyang amo sa ahensyang nag-re­cruit sa kanya pero ikinu­long siya nito sa isang silid.

Hinihingi ng recruiter na bayaran muna umano niya ang $2,000 na na­gastos sa pagpapadala sa kanya sa Bahrain ka­palit ng kanyang kalayaan.

Naisip ni Calinao na gumawa ng sulat. Tatlong maliliit na pinagpilas-pilas na karton ang ginamit niya para maisulat ang kanyang kalbaryo at maihulog ito sa labas ng bintana ng silid at makahingi ng tulong sa sinumang makapulot nito.

Isa namang di-nakila­lang Pilipina ang suwer­teng nakapulot ng sulat ni Calinao na siyang tumu­long para dalhin ang karton na may sulat sa embahada ng Pilipinas doon.

“Hirap na ako dito sa loob, napakainit, hindi ako nakakatulog, para akong nakakulong sa bartolina. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nauubos na ang luha ko sa loob na ito sa kaiiyak pero wala naman akong ma­gawa para makatakas dito,” sabi ni Calinao sa isa sa mga sulat.

Limang araw ding naku­long si Calinao bago na­iligtas ng mga kina­uukulan. (Ellen Fernando at Butch Quejada)

AGOSTO

BAHRAIN

BUTCH QUEJADA

CALINAO

ELLEN FERNANDO

GULF AIR

JENNIFER CALINAO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with