Hinamon kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Senate President Manuel Villar na humarap sa ethics committee ng mataas na kapulungan at huwag mapikon sakaling may magsampa ng reklamo laban sa kanya.
Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na hindi dapat magalit si Villar sakaling may magsampa ng reklamo laban dito kaugnay sa sinasabing “conflict of interest” sa double entry ng P200 milyong C-5 Road project.
Nilinaw pa ni Lacson na nasa rules naman ng Senado ang pagsasalang sa committee on ethics laban sa isang miyembro kapag nakitaan ng conflict of interest. Ipinunto pa ni Lacson na kung walang kinatatakutan si Villar, hindi ito dapat matakot humarap sa ethics committee,
Binalewala naman ni Villar ang balak ng minorya na ireklamo siya sa Ethics dahil siya ang naargabyado sa nasabing isyu kaya siya ang may karapatang magreklamo.
Sinabi ni Villar na kung tutuusin siya ang dapat magreklamo lalo pa’t wala namang napatunayan ang Senate Committee on Finance.(Malou Escudero)