^

Bansa

Tax exemption pahirap

- Ni Malou Escudero -

Pahirap at hindi gin­hawa ang nilagdaang batas ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na naglilibre sa buwis sa kita ng mga minimum wage earners kaya ito ay ipoprotesta at ipaba­basura sa Korte Suprema.

Kaugnay nito, naka­takdang magprotesta sa Korte Suprema ang mga kasapi ng Trade Union Congress of the Philippines kasama si Liberal Party President at Se­nador Mar Roxas laban sa anila’y “hilaw” na tax exemption law para sa mga minimum wage earners na ipinatutupad ng Bureau of Internal Re­venue bagaman taliwas ito sa intensyon ng Kon­greso sa ilalim ng Republic Act No. 9504 na na­ging batas noong June 17.

“Binaligtad ng BIR at ng DoF (Department of Finance) ang intensyon ng mga mambabatas na bigyang ginhawa ang mga manggagawa sa pamamagitan ng income tax exemption. Una, sisi­mulan lang nila ang exemption sa July 6, imbes na sa simula ng taon; Pangalawa, ang mga minimum wage earner na may ibang sources of income ay hindi na ie-exempt. Bilang principal author nitong batas ay lalabanan ko ang maling interpretasyon ng ehe­kutibo dito,” ani Roxas.

Aniya, mawawalan ng halos P5,000 na tax exemptions mula January hanggang June ang mga minimum wage earners dahil sa maling implementing rules and regulations ng RA 9504. Ito ay P36 kada araw, o P792 kada buwan na ka­walan sa bawat mang­gagawa. At sa tinatayang 500,000 minimum wage earners, ang isang full-year exemption ay ma­ngangahulugan ng ka­buuang P2.5 bilyon na dapat sana ay maka­katulong sa kanila nga­yong napakataas ng mga bilihin.

Noong nakaraang linggo ay sinulatan ni Roxas si Finance Secretary Margarito Teves para hilingin na irekonsidera ang Revenue Regulations No. 10-2008 parti­kular ang probisyon para sa kalahating taon na tax exemption para sa minimum wage earners at limitadong tax relief sa iba pang mga manggagawa.

“Hinihintay pa namin ang sagot ng DoF sa aking liham, pero mag­hahain na tayo ng pe­tisyon sa Korte Suprema para masimulan na ang proseso ng pagbasura sa ‘half-baked income tax exemption’ na gusto ng BIR,” ayon pa kay Roxas.

BUREAU OF INTERNAL RE

DEPARTMENT OF FINANCE

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

KORTE SUPREMA

LIBERAL PARTY PRESIDENT

MAR ROXAS

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with