Tiniyak kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na walang masamang epekto sa Pilipinas ang financial crisis na nararanasan ng Estados Unidos sa kasalukuyan.
Sa public hearing ng Senate committee on banks na pinamumunuan ni Sen. Edgardo Angara, sinabi ni BSP Governor Gunigundo Diwa na may kakayahan ang gobyerno at maging ang mga lokal na bangko na saluhin ang nalugi nilang investment sa Lehman Brothers at iba pang investment banks sa Amerika.
Kaya anya ng pitong lokal na bangko na bayaran at tugunan ang pangangailangan ng mga depositors sakaling hindi pa gumanda ang financial status ng Amerika.
Malaki ang reserves ng mga bangko sa pangunguna ng Development Bank of the Philippines, Banco De Oro, Metro Bank at American Insurance Group. (Malou Escudero)