Holiday pay nilinaw
Muling nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment para gabayan ang mga employer sa tamang pagpapasahod sa kanilang mga empleyado matapos ideklarang “regular holiday” ni Pangulong Arroyo ang October 1, 2008 bilang paggunita sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.
Ayon kay DOLE Secretary Marianito D. Roque, para sa mga empleyadong hindi papasok sa nabanggit na petsa, kailangan pa rin silang swelduhan ng buo para sa araw na iyon.
Kung ang isang manggagawa naman ay papasok sa October 1, 2008, tatanggap ito ng 200 porsyento ng kanilang regular na sahod para sa nasabing araw.
Kung natapat naman na rest day ng isang empleyado ang Oct. 1 at kinailangan niyang pumasok sa trabaho, tatanggap ito ng 260 percent ng kani yang regular wage. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending