BI pinuri ng PAGC sa pagiging graft-free

Pinuri ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang Bureau of Immigration (BI) sa pagiging magandang halimbawa dahil sa pagbura nito sa imahe bilang tiwaling ahen­siya patungo sa pagiging graft-free at epektibong tanggapan ng pamahalaan.

Ayon kay PAGC Commissioner Teresita Balta­zar, dahil sa magandang pa­kita ng BI ay napa­tunayang mali ang survey ng Transparency International (TI) na nagpapakita ng nega­tibong resulta sa pamaha­laan pagdating sa paglaban sa katiwalian.

“The negative perception on the government is exactly just that, a result of a perception that is not the reality as BI has proven,” wika ni Baltazar.

Partikular na pinapuri­han ni Baltazar ang atensi­yong ibinibigay ng BI, sa ilalim ni Commissioner Marcelino Libanan, sa pag­ papaganda ng sis­tema at epektibong mga tauhan upang maalis ang red tape sa kanilang mga proseso.

“PAGC is proud of what is happening at the BI,” wika ni Baltazar.

Ipinaalala rin ni Balta­zar sa mga empleyado ng pa­mahalaan na ang pag­bi­bi­gay ng magandang serbis­yo ang pangontra sa nega­tibong impresyon ng pub­liko sa gobyerno, na siya mismong ginagawa ng BI.(Butch Quejada)

Show comments