Acetylene gang nalaglag

Tatlong umano’y miyembro ng Acetylene Gang na sina Edhar Uyat, Richard Apaplay at Luis Mariano ang nadakip ng pulisya makaraang nakawan nila ang C.M. Picache Pawnshop sa Barangay Damayan, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Unang pinasok ng mga suspek ang isang tailoring shop bago bi­nutas ang pader at sinu­nod na pinasok ang katabi nitong nabanggit na bahay-sanglaan.

 Tiyempo naman na maagang pumasok ang may-ari ng tailoring shop dahil sa tatapusing patahi nang madiskubre ang mga salarin.

 Agad na humingi ang hindi na pina­nga­lanang saksi sa nagpa­patrulyang mga tauhan ng Quezon City Police District na mabilis na ru­mes­ponde. Dito nag­karoon ng maigsing ha­bulan hanggang sa ma­sakote ang mga suspek.

 Narekober rin sa mga ito ang mga alahas na tinangay sa naturang sanglaan at mga gamit sa kanilang panloloob bilang mga ebidensya.

Show comments