German investment sa RP palakasin - GMA
Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Philippine Business delegation na magtutungo sa Germany sa susunod na buwan na palakasin nito ang trade relation ng RP-Germany kasabay ng paghikayat sa mga German businessmen na mag-invest sa bansa.
Ang delegasyon ng RP ay pangungunahan ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) director-general Lilia de Lima patungong Germany mula Oct 12-17. Ipapabatid ng delegasyon sa German business community sa Baden-Wurttemberg, Munich at North Rhine Westphalia ang mga business opportunities sa Pilipinas.
Makikipagpulong din ang mga ito sa piling mga German players kasabay ang pagsusulong din ng Philippine service at microfinance.
Ipagmamalaki ng RP delegation sa Munich at Stuttgart ang ating competitiveness lalo sa larangan ng software, gaming, publishing at call center services habang sa Frankfurt book fair naman ay manghihikayat sila ng mga posibleng business matching sa iba pang mga foreign companies. Nakatuon naman sa microfinance ang magiging focus ng delegasyon sa pagpunta sa North Rhine Westphalia.
- Latest
- Trending