^

Bansa

Multa sa walang helmet itinaas ng LTO

-

Itinaas na ng Land Transportation Office (LTO) ang penalty sa mga taong makikitang hindi gumagamit ng helmet sa panahon na minamaneho ang motorsiklo  sa mga lansangan.

SInabi ni LTO Chief Alberto Suansing, mula sa dating presyo na P150.00 na penalty sa mahuhuling walang helmet, ginawa na niya ito ngayong P1,000.

Binigyang diin ni Suansing na mas mainam na maitaas ang penalty sa naturang non-moving  traffic violation upang mapilitan ang mga bikers na magsuot ng helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ani Suansing, ang pagsusuot ng helmet ay isang proteksiyon ng isang biker habang nakasakay sa motorsiklo kaya dapat itong gawin.

Niliwanag din ni Suansing na hanggang dalawa lamang ang sakay ng motorsiklo pero dapat ang mga ito ay pawang nakasuot ng helmet alinsunod sa batas. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANI SUANSING

BINIGYANG

CHIEF ALBERTO SUANSING

CRUZ

HELMET

ITINAAS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NILIWANAG

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with