DPWH, DA, DepEd secretaries pinasususpinde dahil sa anomalya

Ipinasususpinde ng isang kongresista sa Kamara ang tatlong Cabinet Secretaries ni Pangulong Arroyo dahil umano sa katiwalian.

Sinabi ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson, dapat paim­bestigahan ni Arroyo sina DPWH Secretary Hermo­genes Ebdane, DA Secretary Arthur Yap at Education Secretary Jesli Lapus matapos lumabas sa Commission on Audit (COA) reports na may anomalya umano sa pag­­gamit ng pondo ng tatlong departamentong nabanggit.

Sinabi ni Joson, dapat himayin ng husto ang nasabing COA report at kung mapatunayan nagkasala ang tatlong opisyal ng gobyerno dapat silang sampahan ng kaso at ikulong. (Butch Quejada)

Show comments