^

Bansa

Pinoy babies biktima na!

- Nina Ludy Bermudo at Doris Franche -

Iniimbestigahan na ngayon ng Department of Health (DOH) ang ilang kaso ng mga sanggol na nagtataglay ng sakit sa kidney na posibleng bu­nga ng nainom na gatas na nagmula sa bansang China.

Hindi muna ibinunyag ni Dr. Eric Tayag, hepe ng DOH-National Epidemiology Center, ang detalye hinggil sa mga sanggol at kung saan ito naka-confine na ospital habang pinag-aaralan pa ang kaso.

Sinabi ni Tayag na ina­alam na nila kung napa­inom umano ng gatas ang mga sanggol at isasang­guni sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) kung ang nainom na gatas ay positibong may taglay na melamine at kung saan nagmula ang gatas.

Naalarma ang DOH sa mga ulat na ang gatas na kontaminado ng mela­mine chemicals sa ban­sang China ang dahilan ng pagkamatay at pag­kakasakit ng libu-libong mga sanggol doon.

Dahil sa ulat, nag­dududa sila sa kaso ng mga sanggol sa bansa na may taglay na umanong sakit sa bato o kidney dahil sa pagpasok ng mga imported na gatas mula sa China na nabibili sa merkado.

Una nang ipinahayag ng DOH, BFAD at ng Malakanyang ang total ban sa pag-aangkat at pagbebenta sa lahat ng dairy products mula sa Tsina, na epektibo na kahapon, alinsunod sa Article 10 ng Consumer Act of the Phils.

Mariin ding tiniyak ng BFAD na iligal ang pag­pasok ng mga gatas mula China dahil wala sa ahensiya na nakare­his­trong brand name at inaprubahang gatas na gawa sa China.

Nilinaw naman ng DOH na global na umano ang alerto sa pagba-ban ng mga gatas at iba pang dairy products na nang­gagaling sa China.

vuukle comment

CHINA

CONSUMER ACT OF THE PHILS

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

GATAS

INIIMBESTIGAHAN

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with