Suportado ni Land Transportation Office Chief Alberto Suansing na mapagkalooban ng dagdag benepisyo ang mga drivers sa bansa sa ilalim ng Drivers License Enhancement Program (DLEP).
Sa ilalim ng DLEP, poproteksiyunan nito ang bawat driver ng halagang P100,000 sa isang taon na ang babayaran lamang ng mga ito ay halagang P30.
Sa TPL kasi ay ang mga sasakyan lamang ang protektado kapag nasangkot ito sa aksidente gayung sa ilalim ng DLEP ang mga drivers naman ang poprotektahan ng programa.
Gayunman, sinabi ni Suansing na dapat munang magkaroon ng malawakang public consultations ang LTO sa mga driver sa iba’t ibang panig ng bansa tungkol sa programang ito upang malaman nila ang pakinabang ng naturang programa.
Una nang nagkaroon ng public consultation sa LTO East Avenue, QC nitong Hulyo sa pagitan ng transport groups na Pasang Masda, Altodap at Acto kung saan naging katanggap-tanggap naman ito sa naturang mga grupo.
Anila, kung ang isang driver ay gumagastos ng P30 sa pagbili ng si garilyo sa isang araw lang, sa DLEP ay P30 lang ang magagastos nila pero covered sila ng halagang P100,000 sa isang taon.
SInabi ni Suansing na kapag ang naturang programa ay suportado ng lahat at positibo namang mabebene pisyuhan ang mga driver ay wala anyang dahilan para tutulan ito. (Angie dela Cruz)