Itinalaga kahapon ng Malacañang bilang pinuno ng National Power Corporation si Froilan Tampinco bilang kapalit ng nagbitiw na si Cyrill del Callar.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita sa kanyang phone patch interview sa Malacañang reporters, si Mr. Tampinco ay vice-president ng Power Sector Asset and Liabilities Management.
Uupo bilang pangulo ng Napocor si Tampinco sa September 30 matapos magbitiw si del Callar bilang Napocor head dahil sa problema nito sa kalusugan. (Rudy Andal)