^

Bansa

Magulang ng mga batang nagpapalimos, nagtitinda kulong na

-

Matapos ang maha­ bang deliberasyon, tuluyan nang naipasa ng Konseho ng Maynila ang ordinansa na naglalayong ipakulong  ang mga magulang na mapapatunayang pinapa­ya­gan ang kanilang mga anak na manlimos at mag­tinda sa kalsada.

Sa ordinansang inihain ni Manila 4th District Coun. Amalia Tolentino, panahon na upang mabigyan ng proteksiyon ang mga ba­tang nanlilimos at nagbe­benta ng sampagita, siga­rilyo at basahan kung saan nagiging front na rin ito ng prostitusiyon.

Agad na ipinasa ng konseho sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang ordinansa kung saan paparusahan ang mga magulang sa pamamagitan ng mulang P2,000-P5,000 bukod pa sa pagkabilanggo na mula 6-buwan hanggang dala­wang taon.

Sinabi ni Tolentino na ba­gama’t dumaranas ng hirap sa buhay ang isang pamilya, hindi dapat na pinababayaan ng magu­lang ang kanilang mga anak na magtinda at manli­mos sa kalsada.

Aniya, wala man la­mang umanong protek­siyon at seguridad ang mga bata na dapat ay nasa paaralan.

Tiniyak pa ni Tolentino na walang paliligtasin ang ordinansa kahit pa sabihing nasa “contained place” ang paslit tulad ng mga sari-sari store at katulad nito.

“Ang mga bata kapag tapos na ang eskwela ay dapat nasa loob ng kani­lang bahay o naglalaro at ini-enjoy ang kanilang kamusmusan at hindi dapat na pinaghahanapbuhay ng kanilang mga magu­lang,” dagdag pa ni Tolentino. (Doris Franche)

AMALIA TOLENTINO

ANIYA

DISTRICT COUN

DORIS FRANCHE

KONSEHO

MATAPOS

SHY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with