^

Bansa

Mar, Loren naisahan ni Ping!

-

Itinuturing ng ilang mambabatas na malaking pagkakamali ang “pagsakay” nina Senador Mar Roxas at Loren Legarda sa “laro” ni Sen. Panfilo Lacson nang sinuportahan ang resolusyon na paimbestigahan ang kontrobersya sa pondong inilaan sa C-5 Road Project na ginagamit na pang-atake kay Senate President Manny Villar.

Nagpahiwatig sina Cibac Partylist Rep. Joel Villanueva at Marikina City Rep.Marcelino Teodoro na maling galaw ang ginawa nina Roxas at Legarda dahil mistulang tinulungan lang nila si Lacson na umangat sa mga survey ng mga “presidentiable”.“Ang tawag sa ginawa nina Sen. Roxas at Sen. Legarda ay bad political move. Bakit nila pinayagan si Sen. Lacson na mag­karoon ng advantage sa kanila ngayong crucial ang mga naglalabasang survey ngayon na nagdeklara na si Sen. Villar na tatakbo siyang presidente sa 2010?” tanong ni Villanueva.

Dahil sa usapin ng C-5 road project nahati ang opo­sisyon sa Senado at lumitaw na ang magkabilang grupo ay pinamumunuan ni Villar at Lacson samantalang nag­mistulang “supporting” na lamang sina Legarda at Roxas.

Kumbinsido si Teodoro na nalamangan ni Lacson sina Legarda at Roxas sa usapin ng nakuhang atensiyon sa media. “Definitely, it has greatly affected the popularity and media attention from senators Legarda and Roxas’ political ambition in 2010, with Sen. Lacson attracting all the limelight amidst the division in the Upper House,” ani Teodoro.

Pinayuhan ni Villanueva sina Legarda at Roxas na maging maingat sa mga naglalabasang expose. “They should be careful with their decision making. Filipino people can easily determine the difference between a legitimate expose and a cheap shot for political gains.”

Inihayag naman ng isang Metro Manila solon na tumangging pabanggit ang pangalan na posibleng intensyon ni Lacson sa pagbanat sa C-5 Road na guluhin ang hanay ng oposisyon at itulak si Villar sa bakuran ng administrasyon.

Una ng sinabi ni Lac­son na hindi na nito itinuturing na kasapi ng oposisyon sina Villar, Sens. Jinggoy Estrada, Francis Escudero at Alan Peter Cayetano mula ng matapos ang 2007 elections at makahalo ng administration senators sa mayorya. (Butch Quejada)

ALAN PETER CAYETANO

BUTCH QUEJADA

CIBAC PARTYLIST REP

FRANCIS ESCUDERO

JINGGOY ESTRADA

JOEL VILLANUEVA

LACSON

LEGARDA

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with