^

Bansa

Pinay kritikal sa suicide bombing sa Pakistan

- Nina Mer Layson at Joy Cantos -

Nasa kritikal na kon­dis­yon ang isang Pinay matapos na madamay sa naganap na suicide bombing sa isang five-star hotel sa bansang Pakistan noong Sabado ng gabi.

Tumanggi muna si DFA spokesman Claro Cristobal na pangalanan ang Pinay na sinasabing kasal sa isang Pakistani at nagtratrabaho bilang receptionist sa pinasabog na Marriot Hotel.

“The Philippine Embassy is closely monitoring the case  of a Filipino woman who is now in critical condition at the Pakistan Institute of Medical Sciences in Islamabad,“ ani Cristobal.

Kaugnay nito, nabatid na umaabot na sa mahigit 60 ang bilang ng mga nasawi sa naturang suicide bombing incident at pinaniniwalaang tataas pa ang naturang bilang habang tinatayang mahi­git sa 250 katao ang nasugatan kabilang ang 21 dayuhan.

Sinasabing kabilang umano sa mga nasawi sa insidente ang Czech Ambassador to Pakistan na si Interior Ministry chief Rehman Malik.

Bagamat wala pa uma­nong grupo na uma­ako sa pambobomba, naniniwala naman ang mga awtoridad na kaga­gawan ito ng teroristang Al-Qaeda.

Isang malaking truck na nilagyan umano ng 500 kilo o 1200 pounds na high intensity explosives ang ginamit ng suicide bomber at pinasabog sa gate ng hotel.

Sa lakas ng pagsa­bog, nabasag pa umano ang mga bintana ng sa­lamin ng mga kalapit na hotel at naging sanhi pa ito ng sunog sa Marriot Hotel na hanggang ka­hapon ng umaga ay nag­lalagablab pa.

Ayon sa mga awto­ri­ dad, itinaon ang pagpa­pa­sabog sa panahon na ma­raming pamilya na nagha­hapunan sa hotel kaya’t marami ang nabik­tima nito.

Tiniyak naman ng DFA na pagkakalooban nila ng kaukulang tulong ang Pinay na nadamay sa pagpapasabog.

vuukle comment

AL-QAEDA

CLARO CRISTOBAL

CZECH AMBASSADOR

INTERIOR MINISTRY

MARRIOT HOTEL

PAKISTAN INSTITUTE OF MEDICAL SCIENCES

PHILIPPINE EMBASSY

PINAY

REHMAN MALIK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with