Pinalilinis na ni Mayor Alfredo S. Lim mula sa mga fortune tellers o manghu hula ang paligid ng simbahan ng Quiapo matapos na makatanggap ng reklamo kay Quiapo Church Parish Priest Msgr. Clem Ignacio dahil nakasasagabal umano ang mga ito sa pasukan at labasan ng simbahan at mapanlilnlang na hanapbuhay ng mga manghuhula.
Gayunman, pinayuhan niya ang may 70 fortune tellers na makipag-usap sa may-ari ng isang ba kanteng lote na malapit lamang sa simbahan ng Quiapo at magtulong-tulong sa pagbabayad ng upa dito.
Bukod dito, nais din ng alkalde na malinis ang paligid ng Quiapo Church sa mga nagtitinda ng herbal medicines at iba pang ga mot na ginagamit na pampalaglag.
Ang utos ng alkalde ay ginawa sa Peoples Day sa Bulwagang Villegas kahit na dalawang fortune tellers ang nagsabi na hindi sila nanloloko ng tao, bagkus ay nagpapayo pa sila sa mag-asawa na nagtataksil sa isa’t isa. (Doris Franche)