^

Bansa

Sakiting opisyal ni GMA sibakin!

-

Pinasisibak ni Senate Minority Leader Aquilino Pi­mentel Jr. ang mga sakiting opisyal ni Pangulong Arroyo matapos ang sunud-sunod na pagbibitiw sa pu­westo ng ilan sa mga ito na ang laging dahilan ay “health reasons.”

Ito ang naging reaksiyon ni Pimentel sa pagre-resign nina Napocor President Cyril del Callar at Philippine National Oil Corp.-Alternative Fuels Corporation (PNOC-AFC) President Peter Abaya na ang ibinigay na mga dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ay “health reasons.”

Labis na ipinagtataka ni Pimentel kung bakit duma­rami ang sakiting miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo. Ayon kay Pimentel, kung ‘mahihina’ rin lang umano ang pangangatawan ng ilang opisyal nito ay mas maka­kabuting lumayas ng lahat ng mga sakiting opisyal at Gabinete.

Kinumpirma ni Energy Secretary Angelo Reyes ang pagbibitiw ng dalawang opisyal at kaagad itinalaga si dating Army chief Romeo Tolentino kapalit ni Abaya.

Wala pang itinatalagang kapalit ni del Callar sa Napocor at ayon sa Malacañang, hindi pa raw tinatanggap ng Pangulo ang resignation nito. (Malou Escudero/Rudy Andal)

ALTERNATIVE FUELS CORPORATION

CALLAR

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

GABINETE

MALOU ESCUDERO

NAPOCOR PRESIDENT CYRIL

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL OIL CORP

PRESIDENT PETER ABAYA

ROMEO TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with