^

Bansa

Pinoy na bihag sa Somalia, 80 na

- Nina Mer Layson at Ellen Fernando -

Umaabot na umano sa 80 Pinoy seamen ang ka­salukuyang bihag ngayon ng mga pirata sa Horn of Africa kasunod na rin nang napaulat na pagdukot ng 26 tripulante sa Somalia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa ligtas namang kalagayan ang 26 Pinoy seafarers na sakay ng MT Centauri, isang Greek-owned, Maltese-flagged freighter, na na-hijack ng mga pirata noong Miyerkules ng gabi.

Inihayag naman ni DFA assistant secretary at spokesperson Claro Cris­tobal na inatasan na ng DFA ang mga embahada ng Pilipinas sa Athens, Nairobi, at Kenya na makipag-ug­nayan sa mga ship owners at international maritime authorities para sa pagsusu­mikap ng mga ito na ka­agad na mapalaya ng ligtas ang mga tripulanteng Pinoy.

Batay sa ulat, nagbibi­yahe ang MT Centauri patungo sa Kenya nang salakayin ng mga pirata sa eastern coast ng Somalia. Ang naturang barko umano ang ika-13 na-hijack sa African waters sa loob ng dalawang buwan.

Kabilang dito ang MV Stella Maris, na may 20 Pinoy crew na na-hijack noong Hulyo 20; MT Bunga Melati Dua, may lulang 10 Pinoy na na-hijack noong Agosto 19 at isa sa mga ito ay napaulat na nasawi sa isang aksidente.

Kasama ring na-hijack ang MT Irene na may sakay na 16 na Pinoy at nabihag noong Agosto 21; ang MT Bunga Melati 5, may sakay na 5 Pinoy at nabihag noong Agosto 29; MT Stolt Valor, may sakay na 2 Pinoy na na-hijack noong Setyembre15 at ang pina­kahuli ang MV Centauri na na-hijack noong Setyembre 17, may 26 all-Filipino crew.

Na-hijack rin naman noong Agosto 21 ang MT BBC Trinidad na may sakay na siyam na Pinoy ngunit pinalaya na ang mga ito, at dumating sa bansa kaha­pon upang makapiling ang kanilang mga pamilya.

Sa tala ng DFA nitong 2007, umaabot sa 300,000 Pinoy seamen ang nagla­la­yag sa buong mundo at karamihan ng mga nabibik­tima ng pagdukot ay sa Somalia.

Sinabi naman ni Fo­riegn Affairs Usec. Esteban Conejos na sa kabila ng patuloy na hijacking incidents sa Somalia, pinag-aaralan pa rin ng DFA kung ipagpapatuloy ang pagsu­sulong ng deployment ban sa mga Filipino seafarers sa mga tinaguriang pirate-prone areas.

AFFAIRS USEC

AGOSTO

BUNGA MELATI

BUNGA MELATI DUA

CLARO CRIS

HIJACK

NOONG

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with