Razon nag-iimpake na

Nagsisimula ng mag-impake si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Director General Avelino Razon Jr. kaugnay ng napipinto nitong pagre­retiro sa serbisyo sa da­rating na Setyembre 27 pagsapit ng kaniyang ika–56 taong kaarawan na siyang mandatory age retirement sa PNP at AFP.

Wish ni Razon na ma­bitag muna ang tatlong wanted na Moro Islamic Liberation Front (MILF) Commanders na sina Bravo, Kato at Pangalian bago siya magretiro.

Plano ni Razon na tu­mungo sa Davao upang per­sonal na alamin ang gina­gawang pagtugis ng kan­yang mga tauhan sa tatlo.

Gayunman, ayon kay Razon kung hindi naman magawang masakote ang tatlo bago siya magretiro ay ipagpapatuloy na la­mang ito ng susunod na PNP Chief.

Masayang magreretiro si Razon dahil alam umano niyang ‘in good hands ‘ ang PNP sa kaniyang successor at itutuloy nito ang Transformation Program para sa kapakanan ng mga tauhan at opisyal ng pambansang pulisya.

Nag-iisang inireko­menda ng National Police Commission (Napolcom) kay Pangulong Arroyo si PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director General Jesus Verzosa bilang susunod na PNP Chief. (Joy Cantos)

Show comments