^

Bansa

Problema ng bansa unahin kaysa expose ni Ping - Villar

-

Naniniwala si Senate President Manuel Villar Jr. na mas dapat unahin ang napakaraming problema ng bansa kaysa sa sina­sabing isyu ng P200 mil­yong ‘budget insertion’ para sa C-5 road extension project.

Ayon kay Villar, mas pinipili niya ngayong hu­wag makipagtalo tungkol sa isyu upang maging maayos pa rin ang lahat kahit na napapabalitang may maglulunsad ng ku­deta laban sa kanya.

Kinumpirma rin ni Villar ang pag-iwas sa media, katulad nang pagbibigay ng ambush interview dahil masama ang kanyang loob at nasasaktan dahil sa paratang sa kanya ni opposition Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson gayong ilang be­ses na niyang inulit na kahit singko ay hindi siya nakinabang sa sinasabing ‘double insertion’.

Ang mahalaga aniya ngayon ay mapanatiling ma­tiwasay ang kanyang lide­rato at maiwasan ang pag­kakahati ng mga mi­yembro.

Samantala, hangga’t hindi umano nasasagot ni Villar ang dalawang isyung iniwan ni Lacson sa privilege speech, partikular kung sino ang nagsingit ng P200 milyon sa C-5 road project at kaninong lupa ang makiki­ nabang sa daraanan ng kalsada, ay hindi titigil ang huli sa pag­banat sa Senate president.

Ayon kay Lacson, conflict of interest ang pinag-uusapan sa isyu at dapat itong masagot ni Villar.

Ginawa ni Lacson ang reaksiyon matapos igiit ni Senate majority floor leader Francis Pangilinan, chairman ng senate committee on rules, na dapat nang magkaroon ng ‘cea­sefire’ sa pagitan ni Lacson at Villar.

Naalarma na rin si Sen. Kiko Pangilinan sa sabay-sabay na hindi pag-attend ng sesyon ng minority bloc kamakalawa.

“Tigilan na ang pagta­talo sa harap ng camera. Let’s start the investigation so we can get down to business,” ani Pangilinan. (Malou Escudero)

AYON

FRANCIS PANGILINAN

GINAWA

KIKO PANGILINAN

KINUMPIRMA

LACSON

MALOU ESCUDERO

NAALARMA

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with