Peace sa Mindanao tiniyak ni PGMA

Tiniyak kahapon ni Pangulong Arroyo sa mga taga-Mindanao ang commitment ng gobyerno para sa kapayapaan ng rehiyon.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang men­sahe sa ginanap na Local Peace and Security Assembly sa Dapitan City, binibigyang prayoridad ng kanyang administrasyon na matigil na ang 40 taong kaguluhan sa Mindanao.

Ipinabatid din ng Pa­ngulo sa mga Muslim ang pagbabago ng estrate­hiyang gagamitin ng gob­ yerno sa pagsusulong ng peace process kasabay ang pagpapaliwanag din sa dahilan kung bakit hindi na lalagdaan ng pamaha­laan ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) kahit madesisyon pa ang Korte Suprema hinggil dito.

Ayon kay Mrs. Arroyo, hindi na makikipag-usap ang gobyerno sa mga rebeldeng hangga’t hindi nila ibinababa ang kani­lang mga armas bilang bahagi na rin ng Disarmament, Demobilization at Reintegration (DDR) scheme.

Ipinangako din ni PGMA sa mga taga-Min­danao na muling mabubu­hay ang pagiging food o bread basket ng bansa.

Bilang patunay, nama­hagi si Pangulong Arroyo sa mga opisyal ng mga pondo para sa developmental projects para sa Mindanao. 

Samantala, naglaan ng P5 bilyon ang pamahalaan sa ilalim ng proposed 2009 national budget para sa Pantawid ng Pamilyong Pinoy program bukod sa mga popondohan ding mga micro-finance project upang matulungan ang mahihirap nating kaba­bayan.

Gayunman, umaasa si Executive Secretary Edu­ardo Ermita na hindi din maaapektuhan ng nang­yayaring bangayan sa Senado ang pagtalakay sa proposed 2009 national budget.

Umaasa ang Palasyo na mabilis na maayos ng mga mambabatas sa Se­nado ang kanilang hindi pagkakasundo.

Show comments